Internet at Social Media
Simula pa noon ay gumagamit na ang mga mag-aaral ng mga bagay na maaaring makatulong sa kanilang pag-aaral. Ang mga madalas na ginagamit noon upang mapaunlad ang kaalaman ay ang mga liro, dyaryo, dyornal, radio at iba pa. Sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng modernisasasyon at teknolohiya, pumasok ang Internet at Social Media sa buhay ng mga mag-aaral. Lubos nitong binago at pinaunlad ang paraan ng pag-aaral.
